Lunes, Enero 5, 2015

“Batang hamog”



Ano nga ba ang batang hamog? Bakit ba sila tinawag na batang hamog? At kung bakit sila nagkaganito?
Habang kami ay naglalakad sa plaza naming ay may nakita kaming isang grupo ng mga bata. Na nakaupo sa sahig ng bus terminal at Masaya silang nanunuod ng isang telebisyon. Nilapitan ko ang mga ito at may nakita akong bata na kakaiba sa kanilang grupo. Sinubukan ko itong kausapin at akoy kanyang pinaunlakan na nakilala kong si Joshua M. Navarro at labing dalawang taong gulang pa lamang. Na nakatira sa sityo little baguio baliwag,bulacan. At ayon sa kanya ay araw araw itong pagala gala sa palengke,simbahan ng san agustin at sa paligid ng glorieta park. Upang manghingi ng limos tinanung ito kung bakit pinapayagan ito ng kanyang mga magulang at aking napagalaman na ito ang kanilang ikinabubuhay. At ang perang naiipon nito sa panlilimos ay kanilang pinangbibili na pagkain ng kanyang dalawang nakakabatang kapatid. Tinanung ko rin ito kung sya pa ba ay nagaaral. Subalit nadiskubri kong sya ay huminto na sa pagaaral dahil sa kahirapan at tinanung ko din sya kung gusto nya pa bang magaral. Ang unang bungad nya sakin ay isang Masaya na sagot ay “Opo” at sinabi nya rin na kung sya ay papalarin na makapagaral ay pagbubutihan na nya ito at magaaral sya ng mabuti. At habang kami ay nagkkwentuhan ay ito ang aking ikinagulat at sya ay naglabas ng sama ng loob sa akin tungkol sa kanyang ama-amahan. Itago nalang natin sya sa pangalang si Michael. Dahil sinasaktan sya sa tuwing wala syang maiuuwing pera . at minabuti nya na mamalagi sa paligid ng  plaza naning.

At kung saan ito abutan ng dilim at doon narin sya aabutan ng umaga. Pag gising nito ya patuloy ito sa araw araw na panlilimos. Para sa kanyang mga kapatid na naghihintay sa kanya upang may makain. Sobrang hanga ako sa batang ito na kahit bata palang ay kumakayod na ng pera para lang may makain sila ng kanyang dalawa pang kapatid. Napaka sipag ng batang ito na wala syang gawin kundi malimos ng pera. Isa lng ang masasabi ko sa kanya “idol”. Sa dami dami ng bata na gaya ni Joshua ay isa na ata sya sa mabuting bata na kilala ko. Tinanung ko din sya kung Masaya ba sya kahit na gaanito ang ginagawa nya kung nagsasawa nab a sya sa paulit ulit nyang ginagawa sa pag araw araw. Di ba nakakahanga? Kahit na wala silang pera ay hindi niya naisip na sumuko o magnakaw sa hirap ng buhay. Itong batang ito ay napaka sipag,mabait,magalang kahit sa di ko pa sya gaanong kilala pero para sakin ay kung ano ang nakita ng aking dalawang mata ay totoo. Napaka swerte ko palang bata dahil halos nabibigay ng magulang ko ang lahat ng pangangailangan ko. At nakakain ako ng 3 beses sa isang araw na walang pinoproblema kundi ang kumain lang ng kumain. Sa mantalang sila ay nagkakandarapa sa kakalimos makukuha lang ng pera na kakainin nila sa araw araw. At minsan ay namimili pa tayo ng ulam. Pag hindi pa mkinsan masarap at di natin gusto ay nagagalit pa tayo sa ating mga magulang. Samantalang sila a din a makapamili dahil kung ano ang nasa hapag kainan ay yun lang. din na sila naghahanap pa ng iba pang pagkain na makakain . kung minsan din pag may tira tayo ay tinatapon nalang natin konti na nga lang di pa natin ubusin. Sa mantalng ang dami daming bata sa mundo na. na dipa nakakakain para satin ay barya lang ang lahat ng bagay dahil may mga kaya tayo pano naman sila?para sa kanila ay sobrang halaga ng bawat butyl ng kanin na isusubo nila dahil madami ang napagdadaanan bago ito mabili at maisalang.Kaya dapat lang natin ingitan at ubusin ang bawat butyl ng bigas,dahil sa panahon natin ngayon ay marami ang naghihirap.dahil sa kakulangan sap era akala lang natin sa araw araw na buhay ay madali lang ang lahat pero hindi pala.At habang tayo ay nagpapkasaya ay maraming bata ang naghihirap at kumakayod parang lang malagyan ang kumakalam na sikmura.